(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2015)
---Agad na ipinag-utos ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang masusing
imbestigasyon sa pagkakaransak ng treasurer’s Office ng LGU Kabacan.
Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam sa
kanya ng DXVL News kungsaan hinihintay niya ngayon ang resulta ng imbestigasyon
ng Kabacan PNP at ng SOCO team.
Sa ngayon hindi pa masabi ng alakalde kung
may nangyaring inside job, o anumang sabwatan sa loob kung paanu nakapasok ang
mga magnanakaw an nalaman na may malaking halaga ng pera sa loob.
Tiniyak naman ng alkalde na hindi
maaapektuhan ang anumang transaksiyon sa munisipyo dahil sa nasabing
pangyayari.
Pinaigting na rin ng kapulisan ang
pagbabantay sa paligid at sa buong compound ng munisipyo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento