(Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2015)
---Pinalawak ng BDO Unibank, Inc ang serbisyo nito sa Southern Philippines sa
pamamagitan ng pagbili ng One Network Bank, Inc o ONB na may mahigit isandaang
sangay sa Mindanao at sa isla ng Panay.
Sa isang kalatas na ipinarating sa DXVL News
ng pamunuan ng ONB, umabot sa 28.1 bilyong piso ang total asset ng ONB, net
loans na 19.7 bilyon at deposit franchise na nagkakahalaga ng 17.9 bilyong piso
noong September 30 ng nakaraang taon.
Matagumpay na natatag ng ONB ang business
franchise nito sa mga nakalipas na taon at nakapagbigay ng higit sa 20 percent
na returns sa mga shareholders nito na naging dahilan upang isa ito sa pinaka
dominanteng bangko sa mga rehiyon.
Inaasahan ding magbubukas ng bagong
oportunidad ang pagsasasama ng ONB o BDO upang mapagsilbihan ang ibat ibang
sektor ng ekonomiya sa bansa.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa
pagsuporta sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na ma-promote ang industriya ng
bangko sa mga probinsiya.
Itinuturing ang BDO na may isa sa pinaka
malaking distribution network na may 875 operating branches, may mahigit
dalawang libong ATM sa buong Pilipinas,
may sangay sa Hong Kong at may 29 overseas remittance offices sa Asia,
Europe, North America at Middle East. Christine
Limos/ DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento