Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagiging vigilante ng mamamayan ng Kabacan, pinasalamatan ng PNP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Nagdulot ng takot sa Publiko at kaunting problema sa trapiko ang bayan ng Kabacan matapos ang bomb scare sa panulukan ng Diego Silang St., at National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato bago mag alas-8:00 ng umaga kahapon.

Ayon ka PCI Ernor Melgarejo, Hepe ng kabacan PNP sa panayam ng DXVL News, isang lata ng biscuit na may lamang frozen meats ang napagkamalang pampasabog.


Agad namang kinordon ng mga kapulisan ang paligid at pansamantalang nagkaroon ng rerouting sa mga dumaang motorista sa National Highway.

Alas 8:20 ng passable na ang National Highway at balik normal na ang sitwasyon sa pangunahing lansangan ng Kabacan.


Nagpasalamat naman ang Opisyal sa mga mamayan ng Kabacan sa pagiging vigilante ng mga mamamayan at maagap na pagreport ng mga kaduda-dudang mga bagay sa paligid. Philip Mark Anthony Pispis

0 comments:

Mag-post ng isang Komento