Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bahay-Aliwan, hinagisan ng granada

(Sultan Kudarat/ January 5, 2015) ---Pinasabog ng mga miyembro ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ng kapulisan ang hinagis na granada sa Barako bar malapit sa national highway ng Isulan, Sultan Kudarat ala-1:35 kaninang umaga.

Agad inireport sa himpilan ng pulis ng isang empleyado ng bar ang insedente na nirespondehan ng EOD Team.

Humingi ng clearance ang mga pulis upang makapagsagawa ng blasting place kung saan nilagyan ng "bomb basket" ang palibot ng granada bago pinasabog upang maiwasan ang anuman pinsala sa lugar.

Tatlong lalaki umano na nakasuot ng puting tshirt ang nakita na dali-daling umalis sa lugar makaraang mangyari ang panghahagis.

Sa inisyal na imbestigasyon, personal grudge ang motibo ng panghahagis ng granada subalit hindi pa malaman kung may-ari ng bar o may nakaalitan sa loob ang suspek.

Nilinaw ni Siason na walang kinalaman sa nangyayaring engkwentro sa boundary ng Sultan Kudarat at Maguindanao ang nasabing insedente. DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento