(Pikit, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Mas
pinaigting pa ngayon ng Task Force Pikit ang serbisyo sa mamamayan ng Pikit sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng Police Integrated Patrol System at ng Police
Community Relation activities.
Ito ang sinabi ni Task Force Pikit Commander
Supt. Jordine Maribojo sa DXVL News kungsaan katuwang nila sa pagpapatupad ng
direktiba ang komunidad, LGU ng Pikit at ang Armed Forces of the Philippines
partikular ang 7th Infantry Battalion.
Nagkaroon din ng konsultasyon mula sa mga baranggay
officials at mga stake holders upang malaman kung ano ang hakbang na gagawin ng
PNP at AFP maging ang tulong na maaaring ibigay ng lokal na pamahalaan ng
Pikit.
Binigyang diin din ni Maribojo na nagpa-
patrol lagi at nasa area ang PNP at AFP sa tulong ng BPAT upang maproteksyunan
ang mamamayan hinggil sa banta ng pambobomba at terorismo. Rhoderick Beñez and Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento