(North Cotabato/ January 10, 2015) ---Pinaniniwalaang
ang pagiging impormante nito sa kapulisan hinggil sa pagsusumbong ng mga
nagtutulak ng illegal na droga ang posibleng dahilan ng pagkakapaslang sa
60-anyos na Purok President sa Kidapawan City, kahapon.
Kinilala ni Supt. Franklin Anito, pinuno ng
Kidapawan City Police ang biktima na si Duya Santos, Purok President ng Phase
2, Habitat subdivision, Kidapawan City.
Ayon sa Police city Director na ang biktima
ay “tiktik” ng mga kapulisan sa kanilang lugar hinggil sa talamak na bentahan
ng illegal na droga sa kanilang lugar.
Pinagbabaril ang biktima hanggang sa mapatay
habang sakay ng kanilang tricycle papunta sana ng city proper, ayon naman kay
Mila Maruhom, ang anak na babae ng biktima.
Sa ulo at sa katawan nito tinamaan si Santos
na naging dahilan ang agaran nitong kamatayan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento