(Kabacan, North cotabato/ January 4, 2014) ---Niransak
ng mga di pa nakilalang mga suspek ang treasurer’s Office ng Pamahalaang Lokal
ng Kabacan.
Batay sa ulat ng Kabacan PNP, alas 9:00 kaninang umaga
ng madiskubre ng isang empleyado ng munisipyo na bukas ang nasabing tanggapan.
Hind pa matukoy na halaga ng cash, tseke at mga alahas
ang natangay ng suspek habang nagpapatuloy pa sa mga oras na ito ang ginagawang
imbestigasyon ng SOCO.
Sinasabing Disyembre a-31 ng hapon ng nakaraang taon na
huling isinara ang opisina at di na mabatid kung anung araw nilooban ang
munisipyo.
Posibleng libu-libung halaga ng pera ang nakulimbat ng
mga magnanakaw sapagkat sinira ng mga ito ang vault ng treasurer’s office
kungsaan doon nakadeposito ang collection ng munisipyo.
Maging ang PNP Kabacan na malapit lamang sa Municipal
Hall ay di rin nalaman ang insidente.
Agad na ipinag-utos ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.,
ang masusing imbestigasyon sa panloloob sa gusali ng munisipyo ng Kabacan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento