Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

50 katao pa, dawit sa Maguindanao Massacre

(North Cotabato/ January 10, 2015) ---Pormal ng sinampanahan ng kaso ang 50 katao na naidagadag sa listahan na sangkot sa pagplano ng Maguindanao Massacre noong November 23, 2009.


Batay sa ulat, naisampa ang kaso sa presensya nina Maguindanao Provincial Prosecutor Tucod Ronda at isang private prosecutor na si Nena Santos na sinaksihan mismo ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa Office ng Provincial Governor sa bayan ng Buluan lalawigan ng Maguindanao noong Martes.


Kabilang sa mga sinmapahan ng kaso ay ang mga sumusunod na sangkot sa pagplanu ng nakaririmarim na krimen na tumapos sa buhay ng 58 katao na karamihan ay mga kagawad ng Media.

Kasama sa mga sinampahan ng kaso ay sina former Rajah Buayan Mayor Jack Ampatuan, Samsudin Ampatuan, former Datu Saudi Mayor Nanon Ampatuan, incumbent Mamasapano Mayor Benzar Ampatuan, Pandag Ampatuan, Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi, Jack Ampatuan Lumenda, Sukarto “Manguten/Teng” Singh, Inspector Mariga ng Maguindanao police, Samer “Mama” Uy, Kage Ali Midtimbang, Kage Melo Lumenda, Farid Adas, Amerah Ampatuan Mamalapat, Rebecca Ampatuan, Reshal Santiago Ampatuan;
Dali “Kumander Boy” Kamendan, Sahara Upam Ampatuan, Rowel Santiago, Kempar Silongan, Kamsa “Kudta” Salik, Sangutin Musa, Daud “Kumander Kwatro” Kamendan, Digo Mamalapat, Monir Asim Sr., Monng Ampatuan Asim, Harris Ampatuan Macapendeg, Kuka Ebos, Mautin Upam, Tamano “Barakuda” Sabpa, Borgo “Rey” Kasan, Salahudin “Tho” Uday, Hashim “Mistro” Esmael, Joel Tatak, Rene Upam; Kaking Inggo, policeman Biton, Allandatu Angas, Roger Mamalo, Jainodin “Zainodin” Abutazil, Manak Malaguial, Kabili Sumagkang, Ben Carandang, Kage Sabog, Abusama Simpal, Kamad Ampatuan, Faizal Ampatuan, Kudzbari L. Ampatuan, Kumander Ukay Simpal.

Kaugnay nito, hindi naman nawawalan ng pag asa si Governor Mangudadatu na mabibigyan pa rin ng hustisya ang sinapit ng limamput walong biktima kahit paman sa sobrang bagal ng takbo ng kaso.

Maalalang makalipas ang mahigit limang taon ay wala parin niisang nako convict sa mga naunang mga naarestong suspek.

Samantala, ipinagkibit balikat lamang ni Cotabato City Admistrator Atty. Cynthia Guiani-Sayadi at naniniwala ito na politika lamang ang dahilan kaya inakusahan siyang isa sa mga suspek sa Maguindanao Massacre noong November 23, 2009.

Pero nanindigan ang opisyal na wala siyang kinalaman sa Maguindano Massacre.

Ayon kay Sayadi, hindi siya natatakot at kailanman ay hindi siya matatakot sapagkat, aniya, alam niya na wala siyang ginagawang labag sa batas.

Sa ipinatawag na punong balitaan ng city administrator sinabi nitong handa niyang sagutin ang bawat kasinungalingan na ibinabato sa kanya sa tamang pagkakataon. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento