Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nene, utas sa engkwentro

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang siyam na taong gulang na batang babae nang tamaan ito ng ligaw na bala sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala lamang ang biktima na si alyas Meme, residente ng Barangay Gumagadong, Calawag, Parang, Maguindanao.


Sa ulat na nakarating sa pamunuan ni Parang chief of police S/Insp Ganny Miro na nagsagawa sila ng operasyon laban sa most wanted criminal na si Cader Dagadas ngunit bago pa man sila makarating sa lugar ay pinaputukan na sila ng mga suspek.

Tumagal ng 30 minutong palitan ng putok sa magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas.

Agad namang tumakas ang grupo ni Dagadas nang matunugan ang karagdagang pwersa ng mga pulis at sundalo.

Nakahandusay na ang biktima na naliligo sa kanyang sariling dugo at wala ng buhay nang makita malapit sa tahanan ni Dagadas.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Parang mayor at Dr. Ibrahim Ibay ang masusing imbestigasyon hinggil sa sinapit ng biktima. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento