Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Business One Stop Shop ng LGU Kabacan, magsisimula na ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2015) ---Magsisimula na ngayong araw ang Business One Stop Shop o BOSS ng LGU Kabacan na taunang isinasagawa para sa mga kukuha at magrerenew ng kanilang Business Permit sa loby ng Municipal Hall.

Ayon kay LGU Kabacan Administrative Officer Cecilia Facurib, magtatapos ang nasabing programa sa Pebrero a-7 sa susunod na buwan.

Dagdag pa ng opisyal na inaasahan nilang nasa humigit kumulang isang libong establisyemento ang kukuha ng bagong Business Permit ngayong taong 2015 mula sa humigit kumulang 8 daan noong nakaraang taon 2014.

Layon ng programa na mas mapadali ang proseso ng mga negosyanteng kukuha at magrerenew ng Business Permit, sapagkat nasa iisang lugar nalang ang mga Departamentong pipirma sa nasabing papeles.

Hinihikayat din ni Facurib ang lahat ng negosyanteng wala pang kaukulang permit ang kanilang establisyemento na kumuha na nito.

Dagdag pa nito na magbibigay naman umano sila ng ekstensyon sa mga hindi makakahabol subalit kung mamari habang maaga pay kumuha na nang makaiwas sa penalidad.

Ang programang ito ay naipatupad sa pamunuan ng LGU Kabacan sa pangunguna si Mayor Herlo Guzman Jr. na bahagi ng kanyang adbokasiyang Unlad Kabacan. Mark Anthony Pispis/ DXVL News


0 comments:

Mag-post ng isang Komento