(Amas, Kidapawan City/ January 8, 2015) ---Inireklamo ng ilang mga guro
partikular sa paaralan ng Carmen South District ang delayed na pag- release ng
kanilang Performance Based Bonus o PBB na hanggang ngayon raw ay hindi pa nila
natatanggap.
Agad namang sinagot ni Cotabato School’s
Division Superintendent Omar Obas ang nasabing reklamo sa panayam ng DXVL News.
Aniya, ang dahilan umano nito ay malaki ang
sakop ng Cotabato Division at hindi rin agad dumating ang Notice of Cash
Allocation o NCA mula sa Department of Budget and Management o DBM.
Kaniya na rin itong naipaliwanag sa
isinagawang ManCom noong December 23 ng nakaraang taon na hindi nila
matatanggap ang kanilang PBB sa New Year.
Hindi rin napigilan ni Obas ang kanyang
naging damdamin ukol sa reklamo ng mga guro patungkol sa PBB na para bang sila
ay wala nang kapera pera.
Dagdag pa nya na ang PBB nila ay hindi naman
raw mawawala.
Payo pa niya sa mga guro na kailangan lamang
nilang maghintay at magtiis ng kaunti.
Ipinaliwanag din ng opisyal ang tungkol sa
proseso at batayan ng pagbibigay ng Performance Based Bonus o PBB upang sagutin
ang aligasyon ukol sa hindi pantay-pantay na pagbibigay ng PBB sa bawat
distrito.
Sinabi ng opisyal na matatanggap ng bawat guro
ay naka-base sa mga reports at performance na ipinapasa ng bawat paaralan sa
Division Office at ang Cenrtal office na
ang bahalang mag compute kung magka kano ang kanilang i- allocate.
Dagdag pa niya, ang trabaho lamang daw ng
Division Office ay taga- submit lamang ng mga reports na isinusumite din ng
bawat paaralan sa lalawigan.
Ipinaliwanag rin niya na hindi niya
matitiyak kung kailan nila ito maaring matanggap sapagkat ito raw ay
nakadipende na sa pag- download ng servicing bank. Patuloy naman daw nila itong
pinoproseso at giit pa niyang hindi patatagalin sa Division Office sapagkat
wala naman daw silang makukuha rito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento