Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga ninakaw na tseke sa Treasurer’s Office, aksidenteng narekober sa canal

(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2015) ---Aksidenteng narekober ng ilang empleyado ng LGU Kabacan ang mga tesekeng ninakaw ng mga kawatan sa Treasurers Office sa kanal sa harapan ng Kabacan Pilot Elementary School dakong alas 9:20 ng umaga kahapon.

Nadiskobre ang mga tseke ilang oras palang ang nakakaraan matapos ang bomb scare na malapit lang din sa nasabing lugar.

Ayon kay PCI Ernor Melgarijo, hepe ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL, maari umanong nadala lamang ito ng tubig kanal sa nasabing lugar at hindi tlaga ito doon itinapon ng mga salarin.


Diin pa ng opisyal na kanilang tinitingnan ang lahat ng posibilidad at mga ebidensiyang maaring magiging daan sa pagkakakilanlan ng mga kawatan.

Agad namang nagtungo ang SOCO para sa eksaminasyon at inspeksiyon kung ito ba ang lahat ng tesekeng tinangay ng mga kawatan.

Tinitingnan din nila ang mga kopya ng CCTV recordings ng mga malalapit na establisyemento sa lugar na pupwedeng nakahagip sa pagtapon ng nasabing teseke ng mga suspek. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento