Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Transaksiyon sa LGU Kabacan, tiniyak na maayos –ayon sa Alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2015) ---Inihayag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na patuloy pa rin ang trabaho ng mga mangagagawa ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa kabila ng nangyaring panloloob at panraransak sa Kabacan treasurer’s office.

Ayon kay Mayor Guzman, main office lamang ng treasurer’s office ang sumasailalaim sa malalimang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO kaya business as usual pa rin lalo na at maraming mga negosyante ang nagre renew ng business permit ngayong buwan.

Tiniyak naman ng alkalde na patuloy ang pagbabago at progresibong kaunlaran ng Kabacan at ng ibat ibang baranggay sa susunod na mga taon.

Samantala, nanawagan si Municipal Treasurer Prescila Quiñones sa mga mamamayan at negosyante ng Kabacan na sana’y maintindihan ang sitwasyon hinggil sa panraransak ng Kabacan Treasurer’s office. 

Sa eksklusibong panayam ng DXVL news tiniyak naman ni Quiñones na ginagawa nila nag lahat upang bantayan ang pera ng mga mamamayan at negosyante.

Inihayag din ni Quiñones ang saloobin na sana’y magkaroon na sila ng gwardiya sa treasurer’s office upang mas mabigyang seguridad ang kanilang opisina.


Matatandaan na umabot sa mahigit eight hundred thousand pesos ang kabuuang halaga na natangay ng mga magnanakaw kabilang na dito ang alahas, tseke at isang laptop na ginagamit nila sa mga transaksyon. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento