Batay sa ulat ng kapulisan, alas 9:00
kahapon ng umaga ng madiskubre ng isang empleyado ng munisipyo na kinilalang si
Maria Ressa Galay na bukas na ang pintuan ng kanilang opisina at nawawala ang
padlock nito.
Mabilis na inireport ni Galay ang insidente
sa Kabacan PNP na di kalayuan lamang sa Municipal Hall kaya agad na tinungo ng
Scene of the Crime Operatives o SOCO ang crime site.
Doon na diskubre ng mga otoridad na ginamit
na entry point ng mga suspek ang likurang bahagi ng gusali ng Municipal Hall.
Sinira ng mga suspek ang safety vault at
tinangay ang abot sa humigit kumulang P470,000 na cash at tseke na
nagkakahalaga ng P150,000.00 mula kay Disbursing Officer Loreli Alfonso at
P1,500 na cash naman mula kay Municipal treasurer Prescilla Quiñones.
Maliban dito, tinangay din ng mga suspek ang
alahas ng isang empleyado nan aka-lock sa mismong drawer nito.
Sinasabing Disyembre a-31 ng hapon ng nakaraang taon na
huling isinara ang opisina at di na mabatid kung anung araw nilooban ang
munisipyo.
Maging ang PNP Kabacan na malapit lamang sa Municipal
Hall ay di rin nalaman ang insidente ng pinasok ang municipal hall.
Agad na ipinag-utos ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.,
ang masusing imbestigasyon sa panloloob sa gusali ng munisipyo ng Kabacan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento