Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Pres. Garcia, inaming kulang ang Plantilla items ng mga guro sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2015) ---Aminado si University of Southern Mindanao o USM President Dr. Francisco Gil Garcia na nagdaranas ng kakulangan sa faculty ang USM at iba pang state universities hindi lamang sa faculty kundi kakulangan din sa Plantilla items.

Ginawa ng Pangulo ang reaksiyon sa DXVL News matapos ang ginawang panukala ni Congressman Roman Romulo at ng kanyang mga komitiba na bigyan ng dagdag na items ang state universities and colleges dahil ang karamihan sa mga empleyado nito ay Contract of Service o COS lamang.

Inihayag din ng Pangulo na sa teaching lamang ay mayroong mahigit dalawang daang items na contract of service o COS at hindi pinupondohan ng pamahalaang nasyunal ang pasahod sa mga ito bagkus ito ay nagmumula sa tuition fee na ibinabayad ng mga estudyante ng USM.

Umaasa din si USM Pres. Garcia na sa darating na 2016 ay mabigyan ng mga bagong dagdag na plantilla items ang Pamantasan.

Samantala, nangako ng dagdag na pondo ang Philippine Association of State Universities and Colleges o PASUC sa University of Southern Mindanao at iba pang state universities and colleges para sa mga bagong pasilidad.


Tatanggap naman ang USM ng capital outlay na nagkakahalaga ng 38.3 milyon na nakalaan para sa pagpapatayo ng 3 story building at pagbili ng mga modernong scientific equipments. Rhoderick Beñez and Christine Limos





0 comments:

Mag-post ng isang Komento