(Makilala, North Cotabato/ January 9, 2015)
---Malaki ang accomplishment ng lokal na pamahalaan ng Makilala sa taong 2014
partikular na sa agrikultura sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka sa
libreng pagpapa tanim ng goma.
Ito ang inihayag ni Makilala Mayor Rudy
Caoagdan sa ginawang panayam ng DXVL News.
Aniya isa sa malaking nagawa ng LGU sa
larangan ng edukasyon ay ang paglalagay ng tertiary education sa bayan ang Makilala
Institute of Science and Technology.
Libre din ang tuition sa naturang paaralan
para sa mga taga Makilala lamang, ayon pa kay Mayor Caoagdan.
Inihayag din ng punong ehekutibo ang
saloobin nito hinggil sa pagbaba ng presyo ng goma.
Pursigido din ang LGU Makilala sa pagpapa
tuloy na maiangat ang estadong pang ekonomiya at agrikultura upang hikayatin na
magbalik loob sa gobyerno ang mga naliligaw ng landas.
Bibigyang halaga din ng LGU Makilala sa
taong 2015 ang pagsasa ayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdadadala ng
produkto ng mga magsasaka sa merkado.
Magkakaroon din ng proyekto para sa mga matatanda upang pagbabalik tanaw sa mga ninuno. Rhoderick Beñez/ Christine Limos
Magkakaroon din ng proyekto para sa mga matatanda upang pagbabalik tanaw sa mga ninuno. Rhoderick Beñez/ Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento