(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014)
---Naiturn-over na ang mga nakompiskang mga kahoy sa recipient na napili ng LGU
Kabacan alas 2:00 kahapon ng hapon.
Pinangunahan ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman,
Jr. ang pagturn-over ng mahigit pitong daang board feet na mga kahoy o lumbers
sa Lower Silangan Moro People’s organization na nirepresentahan ni Mr. Muslimen
Dandoy ang presidente ng nasabing organisasyon.
Ayon pa kay Mr. Dandoy ang mga kahoy ay
gagamitin para sa pag papagawa ng mga upuan ng mga estudyante sa Arabic School
o Madrasah sa Sitio Lower Silangan, Cuyapon, Kabacan, Cotabato.
Ayon pa sa kanya, isa itong napakalaking
tulong upang mabigyan ng maayos na paaralan ang kanilang mga estudyante.
Ang proyektong ito ay isa lamang sa mga
priority projects na nakapaloob sa UNLAD Kabacan na programa ni Mayor Guzman.
Partikular dito ay ang pagpapalakas at pagpapatibay ng mga Madrasah schools
upang mabigyang gabay at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga bata.
Kasabay niya sa pagturn over ng kahoy ay ang
representatives ng PNP, Barangay Council ng Cuyapon, at MENRO, DENR XII-CENRO
4-a.
Matatandaan na taong 2013 nagkaroon ng
massive operation ang DENR-CENRO, AFP, PNP, LGU MENRO at ibat-ibang miyembro ng
Barangay councils sa paghuli ng mga illegal na pagtotroso at pagpupuslit ng mga
kahoy na walang kaukulang papeles. Rhoderick
Beñez with report from Sarah Jane Guerrero
0 comments:
Mag-post ng isang Komento