(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Umapela
ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa publiko na
iwasan muna ang mga ispekulasyon kaugnay sa naging sanhi nang naranasang blackout
sa buong Mindanao kahapon ng umaga.
Sa isang pahayag, sinabi ni NGCP spokesperson Cynthia
Alabanza na sa ngayon ay kabilang sa kanilang tinitingnang rason ay ang aspeto
ng suplay o problema sa transmission.
Sa text message na ipinaabot sa DXVL ni NGCP Corporation
Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Capulong,
naibalik na ang supply ng kuryente sa Grid alas 12:18 ng tanghali kahapon.
Una nang inihayag ni Energy
Sec. Jericho Petilla na malabong may kaugnayan ito sa kawalan ng power supply
dahil malayo pa aniyan ang summer season at mababa pa ang demand.
Batay sa inisyal na
impormasyon ng grid operator, nagsimulang mawala ang suplay ng kuryente bandang
alas-3:53 ng madaling araw kahapon.
Ilan umano sa mga affected
areas ay kaagad naibalik ang power supply dahil sa mga generator sets ng
kani-kanilang mga power distributor plants.
Samantala, balik-normal na
umano ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Mindanao matapos makaranas
ito ng region-wide blackout kahapon ng madaling araw.
Sa panig naman ng Cotelco,
pansamantalang kumuha ang kooperatiba ng supply ng kuryente sa pamamagitan ng
geothermal plant sa Mt. Apo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento