(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014)
---Mahigit 377 na pamilya sa Barangay Cuyapon kahapon, February 19, 2014 ang
nabigyan ng relief goods.
Pinangunahan ito ng Kabacan Local Government
Unit kasama ang ilang Barangay Officials sa pamamahagi ng ilang relief goods na
kung saan ang bawat pamilya ay nakakatanggap ng isang supot na naglalaman ng
bigas, delata, at noodles.
Dagdag pa dito nabigyan din ang iilang
pamilya ng ilang metro ng laminated sacks.
Masaya naman ang nagging resulta sa
pamamahagi ng relief goods at umaasa ang ating pamahalaang local na mabibigyan
pa ang ibang Barangays. Sarah Jane Guerrero
0 comments:
Mag-post ng isang Komento