Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PESO Kabacan, patuloy sa pagtulong sa mamamayan upang makahanap ng trabaho

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Patuloy ang ginagawang pagtulong ng Public Emloyment Services Office o PESO Kabacan sa mga mamayang nais makapagtrabaho higit-lalo sa ibayong dagat.

Ayon kay PESO Kabacan Designated Manager Engineer Jeorge S. Graza, patuloy silang nakikipagtulungan sa mga interesadong manpower agency na siyang nagsasagawa ng Special Recruitment Activities o SRA sa bayan.


Malaking tulong umano sa mga mamamayan ang SRA sapagkat matutulungan ang mga naghahanap ng trabaho na mas mapababa pa kanilang gastusin sapagkat ang mga recruitment agencies na ang pumupunta sa bayan para tumanggap ng aplikante.

Dagdag pa ni Graza na sa loob lamang ng taong kasalukuyan, sila ay nakapagsagawa na ng apat na Special Recruitment Activities katuwang ang mga recruitmen agencies.

Hinimok naman niya ang mga mamamayang nais magkatrabaho sa ibayong dagat na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang mabatid kung anong tulong ang pweding maipagkaloob sa kanila.(Abdullah Matucan)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento