Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drayber, tiklo sa pagtutulak ng illegal na droga at pagdadala ng armas

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 32-anyos na drayber makaraang mahulihan ng illegal na droga sa may bahagi ng Mapanao St., at Rizal St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 10:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Alvin Piang Takuken, may asawa at residente ng Barangay Kibayao, Carmen, Cotabato.


Nakuha mula sa pag-iingat nito ang hindi rehistradong yunit ng black widow 22 revolver at dalawang maliit na plastic heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Nahuli ang suspek sa isinagawang highway check ng mga otoridad sa mga pangunahing lansangan ng Poblacion Kabacan sa nagpapatuloy na kampanya kontro loose firearmas at anti-illegal drugs.

Sa ngayon, inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong isasampa laban sa suspek.
KONEKTADO KA MULA SA KABACAN PNP, USM DEVCOM INTERN, RUVEY MAE G. PAGARAN, DXVL NEWS.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento