(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014)
---Sa pamamagitan ng pagbili ng mga heavy equipment, malaking tulong ito para
mapaayos ang farm to market road sa bayan at malaking tulong ito lalo na sa mga
mag-sasaka.
Ito ang depensa ni Mayor Herlo Guzman Jr.,
makaraang batikusin ng ilang mga kritiko nito ang planung pag-utang ng LGU
Kabacan ng abot sa P75M sa land bank of the Philippines.
Batay kasi sa tatlong pahinang resolusyon
no. 2014-008 na inaprubahan ng Sangguniang bayan ay nagbibigay pahintulot sa
alkalde na mangutang ng P75M para pambili ng mga heavy equipment.
Aniya,ang layunin na mag-invest ng heavy
equipment ay malaki ang maitulong nito hindi lamang sa local government unit
kundi pati sa lahat ng mamamayan lalong-lalo na sa mga magsasaka.
Dagdag pa nito, nagkaroon sila ng
eksaminasyon sa mga irrigators association, at sa ibang sector upang malaman
ang pangangailangan ng bayan ng Kabacan.
Nilinaw din niya ang tungkol sa pagloloan ng nasabing halaga.
Kaugnay nito, inihayag ng alkalde na hindi
naman maaapektuhan ang ilang serbisyo ng LGU kung mangungutang ng nasabing
halaga ang munisipyo at may pondo naman na pambayad dito.
Sa ngayon hindi pa naerelease ang halagang
ito dahil pinoproseso at inaayos pa ito.
Dagdag pa ni Mayor Guzman na wala pang heavy
equipment na na-purchase at dadaan pa ito sa bidding.
Katunayan aniya wala pang pera na nairelease
at patuloy parin ang pagpoproseso at pag-ayos ng mga papeles para dito.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento