Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

8 menor de edad, huli sa ipinapatupad na curfew hours sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Walong mga menor de edad ang nahuli dahil sa paglabag na ipinapatupad na curfew hour sa Poblacion ng Kabacan pasado alas 1:00 ng madaling araw kanina.

Batay sa report, nasa 10 hanggang 22 taong gulang ang nahuli ng kapulisan habang sila ay nagpapatrolya.


Ang nasabing mga minor de edad ay residente ng Baranggay Nangaan, Malvar Street, at Purok 1 Osias, Kabacan, Cotabato.

Dagdag pa nito, hinarangan umano ng mga kapulisan ang nasabing kabataan sakay ang tatlong single na Honda wave motorcycle na may plate number 7684 at isang tractor Kobota.

Agad naman itong dinala sa estasyon ng PNP upang imbestigahin ang nasabing sangkot.

Matatandaan na ipinapatupad ngayon sa Poblacion ng Kabacan ang curfew hour mula alas 10:00 hanggang alas 4:00 ng madaling araw. USM DevCom Intern Karen May Tamagos, DXVL News!


0 comments:

Mag-post ng isang Komento