Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grade 6 pupil ng Notre Dame of Kabacan, nalason matapos kumain ng hamburger

(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Isinugod sa ospital ang isang grade 6 pupil ng Notre Dame of Kabacan Incorporated o NDKI makaraang malison sa kinaing ham burger ala 1:00 ng hapon kamakalawa.

Batay sa report, dumalo ang biktimang si Annaliza, di niya tunay na pangalan, sa kaarawan ng kanyang kaklase kasama ang ibang seksyon at guro.


Pero makalipas ang ilang oras, nakaramdam din ang 7 estudyanteng kasama nito at kanyang guro ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Subalit di naman kinaya ni Annaliza ang sakit ng tiyan kaya sinugod na ito sa Kabacan Polymedic Hospital.

Batay sa resulta ng doktor, doon nalaman na sumidhi ang pananakit ng tiyan nito dahil nalason ito bukod pa sa iniindang acute gastritis na karamdaman.

Sa ngayon ay unti-unti namang nakakarekober ang biktima. USM DevCom INTERN Karen May Tamagos, DXVL News!




0 comments:

Mag-post ng isang Komento