Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasong Murder na isinampa kina Mayor Herlo Guzman Jr., at dalawang iba pa, ibinasura ng DOJ

(Kabacan, North Cotabato/ March 3, 2014) ---Tuluyang ng ibinasura ng Department of Justice o DOJ ang kasong murder na isinampa laban kina Mayor Herlo Guzman, Jr., Councilor Jonathan Tabara at dating SB member Jabib Guiabar matapos na ituro ang mga ito na mastermind sa pagpatay kay dating Vice Mayor Policronio Dulay.

Kawalan ng sapat na ebedensiya na magdidiin sa tatlo na sila ang utak upang ipapatay ang dating opisyal ang dahilan kung bakit i-dinissmiss ng DOJ Manila ang nasabing kaso batay sa anim na pahinang resolusyon na inilabas noong Disyembre a-20, 2013.


Ang nasabing resolusyon ay pirmado ni DOJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.


Matatandaan na sinampahan ng kasong murder ng mga kapatid ni ex-mayor Pol Dulay ang tatlo, makaraang mahuli ang isang Brodz Panigas Mukamad, na umano’y bumaril kay Dulay noong hapon ng January 11, 2013 at ikinanta ang mga respondents. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento