LIBUNGAN, Cotabato (Mar 3) – Pormal ng
isasalin sa kamay ng mga opisyal ng Barangay Kapayawi sa Libungan, Cotabato ang
katatapos lamang na Kapayawi-Bao na proyekto n Dept. of Argiculture – Mindanao
Rural Development Project o DA-MRDP.
Ito ay sa gagawing on site ceremonial
turn-over ng proyekto sa March 6, 2014 ganap na alas-nuwebe ng umaga sa
nabanggit na lugar.
Ayon kay DA 12 Regional Executive Director
Amalia Jayag-Datukan, ang Kapayawi-Bao road concreting project ay may habang
13.2 kilometro. Kasama sa road concreting ang 20 linear meter single lane
bridge at isang box culvert. Abot naman sa P 37,854,735.32 ang pondon inilaan
sa proyekto.
Sinabi rin ni Datukan na sa kabuuan ay may P
4.519B na pondong inilaan ang MRDP sa buong Region 12 para sa pagpapaawa at
pagpapaayos ng mga kalsada, tulay, irrigation, water supply sa buong Region 12.
Nakapaloob dito ang P755 na inilaan ng MRDP
para sa Cotabato province kabilang na ang itu-turn-over na Kapayawi-Bao road,
single lane bridge at box culvert sa Libungan.
Darating sa turn-over si DA Secretary
Proceso J. Alcala bilang panauhing pandangal at siyang mangunguna sa ceremonial
cutting of ribbon.
Makakasama ni Alcala sa okasyon ang mga
opisyal ng Cotabato Provincial Govt. sa pangunguna ni Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza, 1st District of Cotabato Representative Jesus N. Sacdalan, at
ilang mga local chief executives.
Samantala, sa naturang aktibidad ay pormal
ng ring ihahayag ng DA ang pagsasarado o phasing out ng MRDP at ang pagbubukas
o phasing in ng Provincial Rural Development Project o PRDP.
Ibig sabihin nito ay sa mga kamay na ng
provincial government mapupunta ang pagpapatupad ng mga development projects na
laan para sa mga munisipyo.
Isasabay din sa okasyon ang turn-over ng 6
na mga infrastructure projects ng DA PRDP para sa bayan sa Cotabato na
kinabibilangan ng Kabacan (rehabilitation of Pisan Communal Irrigation System),
Aleosan (Rehabilitation of Upper Mingading-Lower Mingading farm to market road,
rehab of Katalicanan-Upper Mingading-Tomado Road farm to market road), Misayap
(rehab of upper Bulanan-Sitio Bay Abas farm to market road), President Roxas
(rehab of Poblacion-Cabangbangan Natipukan farm to market road), Antipas (rehab
of Malire-Tiwanan farm to market road). (JIMMY STA. CRUZ/PGO Cot Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento