Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga matagumpay na programa at mga hamon sa liderato ni Cot. Governor Taliño-Mendoza tampok sa kanyang SOPA bukas

Written by: Jimmy Santa Cruz

CARMEN, Cotabato (Mar.3) – Ihahayag ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang mga programa at proyektong matagumpay na naisagawa ng Provincial Government of Cotabato sa loob ng nakalipas na isang buong taon (2013) sa State of the Province Address o SOPA sa darating na March 4, 2014.

Ibibigay ng gobernadora ang kanyang SOPA sa bulwagan ng Carmen Municipal Hall, Carmen, Cotabato alas-nuwebe ng umaga sa nabanggit na araw kung saan inaasahan ang pagdalo ng mula lima hanggang pitong libo tao mula sa 17 munisipyo at nag-iisang lungsod ng Kidapawan.


Ayon kay Gov. Taliñ-Mendoza, mahalagang maipabatid niya sa mga mamamayan ng Cotabato ang mga nakamit at napagtagumpayan ng kanyang liderato noong 2013 partikular ang mga proyektong nagpa-angat sa antas ng buhay ng mga Cotabateño.

Ito ay upang malaman ng mga mamamayan kung saan at papano ginagamit ng provincial government ang buwis na kanilang ibinabayad.

Kabilang sa mga ipababatid ng gobernadors ay ang kanyang mga programang pang-agrikultura na nagpaangat sa kalagayan ng mga magsasaka at mga infrastructure projects gaya ng road concreting, water systems, covered courts, barangay halls at multi-purpose hall na nagb igay ginhawa sa taumbayan.

Tampok din sa SOPA ang mga inisyatibo at hakbang ng gobernadora para sa  edukasyon, hanap-buhay o kabuhayan, negosyo, turismo, export at kapayapaan.

Kasama rin ang mga pagbabago sa mismong Provincial Capitol at iba’t-ibang bayan na ipinatupad ni Gov, Taliño-Mendoza alinsunod sa adbokasiya ng “Serbisyong Totoo”.

Maliban sa mga programa at proyekto, ihahayag din ng gobernadora ang kanyang mga plano at mga gawaing prayoridad ngayong 2014 at sa susunod na mga taon para sa pagsusulong ng kaunlaran ng probinsiya.

Pinasasalamatan naman ng gobernadora ang mga departamento ng Provincial Capitol at ang Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato sa buong pusong pagsuporta sa kanyang liderato.

Pinupuri din niya ang mga local government units ng Cotabato na patuloy na naniniwala at nakikiisa sa kanyang mga isinusulong na programa.


Kaugnay nito, inaanyayahan ni Gov. Taliño-Mendoza ang lahat na saksihan ang SOPA at mabatid ang mga ginagawa ng Provincial Government of Cotabato upang paunlarin ang buhay ng mga mamamayan nito. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento