AMAS,
Kidapawan City
(Feb 28) – Pormal ng bubuksan ngayong araw ang bagong gusali ng Agri-Center
Complex sa Provincial Capitol Compound, Barangay Amas, Kidapawan City.
Ang Agri-Center na nagkakahalaga ng P68M ay
binubuo ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG, Office of the
Provincial Veterinarian o OPVET at Provincial Cooperatives Development Office o
PCDO.
Meron itong Farmers Training Hall para sa
mga aktibidad tulad ng seminars, orientations o meetings.
Maliban rito ay mayroong Food Laboratory at
Covered Court ang naturang complex.
Tampok sa pagbubukas ng Agri-Center ngayong
araw ay ang banal na misa at blessing ng gusali na pangungunahan ni Fr. Nicanor
E. Valiente, DCK.
Kasunod nito ay ang pagbibigay ng kanyang
inspirational message ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa isang
programa kung saan panauhing pandangal si Regional Executive Director Amalia J.
Datukan ng Dept. of Agriculture 12.
Inaasahan din ang pagdating ng mga opisyal o
representante mula sa iba’t-ibang ahensiya ng national government sa aktibidad.
Ayon kay Gov. Taliño-Mendoza, malaki ang
magagawa ng bagong Agri-Center upang mapalakas pa ang serbisyo ng OPAG, OPVET
at PCDO sa mga mamamayan.
Malaki rin daw ang inspirasyong dulot nito
sa mga opisyal at empleyado ng naturang mga tanggapan dahil sa bago ang
kanilang gusali at may mga pasilidad pa para makatulong sa kanilang gawain.
Kaugnay nito, nagpapasalamat ang mga office
heads na sina Engr. Eliseo Mangliwan ng OPAG, Dr. Rufino Suropia ng OPVET at
ang PCDO sa pagbibigay sa kanila ng bagong gusali na isa umanong malaking
hakbang para sa pagbabago at pagpapatuloy ng “Serbisyong Totoo” sa mga
Cotabateños.
Mas epektibo raw ang pagsasama nila sa
iisang gusali dahil magiging mas madali ang kanilang komunikasyon at
koordinasyon sa trabaho. (JIMMY STA.
CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento