Written
by: Jimmy Santacruz
AMAS, Kidapawan City (Feb. 26) – Inilunsad
na ng Provincial Government of Cotabato sa pamamagitan ng Office of the
Provincial Budget Officer ang “Sayaw Kutawato 2014” na isa sa mga pinakamalaki
at pinakaaabangang aktibidad sa centennial celebration ng probinsiya ngayong
taon.
Ang “Sayaw Kutawato 2014” ay paligsahan ng
mga mahuhusay at piling mga dancers mula sa 17 munisipyo at nag-iisang lungsod
ng Kidapawan at gaganapin ito sa April 9-11, 2014.
Layunin ng Provincial Government of Cotabato
sa paglulungsad nito ay upang bigyan ngn kaukulang respeto ang mga sayaw na
naging bahagi ng kasaysayan ng lalawigan ng Cotabato.
Nais din ng PGCot na kilalanin ang
iba’t-ibang tribo, kultura at tradisyon ng mga tao sa lalawigan sa pamamagitan
ng sayaw.
Kabilang sa mga tampok na sayaw sa
paligsahan ay Folkdance, Indigenous Dance, Lyrical Hip-Hop, Contemporary Dance,
Cheer Dance at Dance Sport.
Sa pamamagitan din ng “Sayaw Kutawato 2014”
ay muling maipapakita ng buong lalawigan ang angkin nitong yaman sa larangan ng
sayaw at mapatunayang isang tunay na tourist destination ang Cotabato.
Ayon naman sa PBO, ang bawat munisipyo sa
Cotabato ay maaari lamang magkaroon ng isang grupo bilang representante at
kailangang may endorsement ito ng local chief executive o mayor, maliban na
lamang sa dancesport kung saan maaari ang 3 grupo ang mga category nito na
juvenile, junior at youth adult.
Tatanggap ng cash prizes at certificates ang
mga mananalo sa paligsahan.
Para naman sa mga mechanics at guidelines ng
“Sayaw Kutawato 2014” maaaring makipag-ugnayan kay Miss Cynthia Boston ng PBO
sa cell phone no. 0908-5333663 o 278-7032 o magtungo sa Provincial Budget
Office sa Provincial Capitol Building Amas, Kidapawan City. (JIMMY STA. CRUZ/PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento