Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Barangayan sa Bannawag, matagumpay na naisagawa; Water pump at iba pang mga proyekto, naipamahagi!

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2014) ---Matagumpay na naisagawa ang Barangayan, the HPG Service Caravan ng Local Government Unit of Kabacan sa Barangay Bannawag, Kabacan, Cotabato na pinangunahan ni Mayor Herlo P. Guzman kasama ang ibat-ibang heads of Offices ng LGU kanina, February 26, 2014.

Mahigit dalawang daang “family packs” ang naipamahagi ni Mayor Guzman sa mga senior citizens ng Barangay, mahigit isang daang tsinelas para sa mga bata, 27 pieces na laminated sacks, isang unit ng sound system na gagamitin ng Barangay, at isang unit na shallow tube well na pang water pump sa palayan na naiturn over sa Farmers’ Association ng Bannawag. 


Maliban dito nagkaroon din ng Medical check-up, dental check-up and extraction, Free Rabies Vaccination para sa mga aso at check-up sa mga farm animals, weighing para sa mga bata, legal consultations at palaro para sa mga bata.

Sa mensahe ni Mayor Guzman, kanyang inilahad ang kanyang plano sa loob ng kanyang termino at ang kanyang pagbibigay atensyon sa mga pangangailangan ng ibat-ibang sector. 

Kanya ring nilinaw ang isyu na ipinupukol sa kanya—ang pagloloan ng LGU Kabacan sa Land Bank of the Philippines sa halagang 75 million pesos para pambili ng ibat-ibang heavy equipment.

Pinabulaanan nya na legal at dumaan sa mahabang proseso ng konsultasyonan ang proyektong ito.
Natapos ang Barangayan ni Mayor Guzman sa isang pag pupulong ng Barangya Council ng Bannawag hinggil sa magiging papel nila sa lahat ng proyekto ng LGU sa Barangay. 

Malinaw sa mensahe ni Mayor Guzman na ang Barangay Bannawag ang magsiguro na mapanatiling maayos lalong lalo na ang mga farm to market road projects ng barangay.

Personal na binisita rin ni Mayor Herlo P. Guzman ang Barangay Bangilan, kanina, February 26, 2014 pagkatapos ng kanyang Barangayan sa Bannawag, ito ay upang makausap ang miyembro ng konseho ng Barangay hinggil sa kanilang plano at ang magiging plano ni Mayor Guzman. 

Nakatanggap din ng laminated sacks ang mga farmers ng Bangilan at personal na binigay ni Mayor Guzman ang pagsasaayos ng kanilang barangay hall. LGU Information Officer Sarah Jane Guerrero


0 comments:

Mag-post ng isang Komento