Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kidapawan City National High School, magiging pambato sa DepEd 12 sa programang Barkada Kontra Droga o BAKODA

(Kidapawan City/ February 20, 2014) ---Magiging Pambato sa National level competition ng Department of Education Region 12 ang Kidapawan City National High School makaraang hirangin bilang awardee sa katatapos lamang na Outstanding Barkada Kontra Droga o BAKODA sa buong rehiyon dose.

Nanguna ang KCNHS sa BAKODA program sa pamamagitan ng kanilang action program on drug vaccination, school community based implementation, drug prevention activities, project and organization at massive information drive.


Ito ay matapos makita ang kanilang epektibong kampanya upang maging drug-free ang KCNHS na pangunahing layunin ng programa.

Kasama rin dito ang aktibong  partisipasyon ng mga guro, estudyante at school personnel at pakikipag-ugnayan ng paaralan sa mga organisasyon , government officials at non government organization sa layuning maiwas ang mga kabataan sa iligal na droga.

Dahil dito, isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlungsod ni City Councilor at Committee on Education Chair Ruby Padilla Sison ang isang resulosyon na bigyan ng pagkilala ang KCNHS sa karangalang natanggap nito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento