(Midsayap, North Cotabato/ February 21,
2014) ---Nasa malubhang kalagayan ngayon ang Sheriff ng Regional Trial Court
matapos na pagbabarilin sa mismong bahay nito sa Barangay Agriculture,
Midsayap, North Cotabato alas 7:00 kagabi.
Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si
Nitoy Diazon residente din ng nasabing lugar.
Ayon sa report, tinamaan sa dibdib ang
biktima ng di pa matukoy na uri ng armas makaraang pagbabarilin ng di pa
nakilalang suspek.
Kritikal ang kondisyon ng biktima kaya agad
itong isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan.
Tumakas naman ang suspek sa di malamang
direksiyon matapos ang insedente.
Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung may
kinalaman sa trabaho nito ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento