Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kampanya kontra loose firearms at anti-drugs, mas pinaigting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) --- Arestado ng Kabacan PNP ang isang 32-anyos na drayber makaraang mahulihan ng illegal na droga at armas sa may bahagi ng Mapanao St., at Rizal St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 10:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Alvin Piang Takuken, may asawa at residente ng Barangay Kibayao, Carmen, Cotabato.



Nakuha mula sa pag-iingat nito ang hindi rehistradong yunit ng black widow 22 revolver at dalawang maliit na plastic heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Nahuli ang suspek sa isinagawang highway check ng mga otoridad sa mga pangunahing lansangan ng Poblacion Kabacan sa mas pinaigting na kampanya kontro loose firearmas at anti-illegal drugs.

Samantala, isang dayo na taga-Iligan City ang panibagong biktima ng panghohold-up sa Kabacan.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jevi Corpuz residente ng block 9, Purok 3, Iligan City.

Tinutukan umano ito ng baril ng riding tandem na suspek sa may corner ng USM Avenue at Sunrise St.

Walang nagawa kundi ibigay na lamang ang P10,000 cash nito at laptop. Rhoderick Beñez with report from Sarah Jane Guerrero


0 comments:

Mag-post ng isang Komento