Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na responsable sa nakawan sa USM Main campus, nahaharap na sa patong-patong na kaso

(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Nahaharap ngayon ang suspek na nahuli ng mga otoridad naresponsable sa ilang mga nakawan sa USM Main campus kungsaan karamihan sa naging biktima nito ay mga faculty.

Kinilala ang suspek na si Norsalem Nasser Macabuat, residente ng Brgy. Nangaan na nahuli makaraang ibente nito ang laptop na hindi sa kanya.


Maliban sa mga faculty ng USM na positibong nagturo sa kanya, isang guro din ng Carmen Northwest ang isa sa naging biktima din nito.

Ayon sa gurong, ayaw magpabanggit ng pangalan, itinuro din nito ang suspek na kumuha ng kanyang mga gamit gaya ng Samsung camera, wallet, coin purse sa kanyang classroom noong a-24 sa taong ito.


Kahapon ng hapon, sinasabing naisampa na ang kasong kakaharapin ng suspek habang nasa kustodiya ng Kabacan PNP si Macabuat. Karen Claire Campollo, USM Devcom Intern, DXVL NEWS!

0 comments:

Mag-post ng isang Komento