(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014)
---Bakas sa mukha ng mga bata at mga
magulang sa Lower Silangan ng Barangay Cuyapon, Kabacan, Cotabato ang sobrang tuwa matapos makatanggap ng ng mga damit mula sa MORO Peoples Community
Organization Reform and Empowerment o Moro PCORE katuwang ang College of Engineering and
Computing sa University of Southern Mindanao nitong nakaraang Sabado.
Maliban dito, namigay din ang nabanggit na
organisayon ng mga damit sa Purok Malimo at mga school supplies naman sa
Madrasatol Ib’no Annas Al-Islamiya katuwang ang mga mag-aaral mula msa CENCOM
sa pangunguna ni Local Student Government
Gov. Ronald P. Rocha.
Bukod sa mga nabanggit na lugar, namahagi
rin ang ang grupo ng MORO PCORE ng mga
damit at mga pagkaing de lata na sa Purok Kweba ng Barangay Pisan, Kabacan,
Cotabato kung saan ilan sa kanilang ipinamigay ay nanggaling pa sa sister organization nito sa
Los Angeles sa Amerika.
Ang MORO PCORE ay isang Non-Government
Organization na pinamumuuan ng kanilang
Executive Director na si Zaynab Afdal Ampatuan.
Konektado
ka sa mga balita mula sa Kabacan PNP, USM DevCom Intern, Jhar Didatar, DXVL
NEWS!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento