Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 Patay, 4 sugatan ng suwagin ng tractor ang bahay sa nangyaring vehicular accident sa Highway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Dead on arrival sa ospital ang isang 65-anyos na biyuda  habang 5 ang naiulat na sugatan sa banggan ng 6 wheeler truck at tractor sa National Highway partikular sa Sitio Lumayong, Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 3:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasawi na si Nene Baranguer, residente ng nasabing lugar.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat, binabaybay ng tractor trailer na minamaneho ni Taher Daluda Esmael residente ng Datu Montawal, Maguindanao ang kahabaan ng Davao-Cotabato highway ng mag-over take ang isang 6 wheeler Fuzo Truck na may license plate LDC 399 na minamaneho naman ni Glenn Sinugbuhan tubong Landasan, Parang, Maguindanao.

Nabangga ang trailer dahilan para mawalan ng kontrol ito at sinuwag nito ang katabing bahay sa gilid ng highway na pag-mamay-ari ni Naks Kalantungan.

Dalawa katao ang nasa loob ng bahay ng mangyari ang aksidente, isa dito ang patay habang kinilala naman ang sugatan na si Babai Kalantungan, 58.

Sugatan din ang drayber ng trailer at dalawang mga menor de edad na batang lalaki na mabilis na isinugod sa KAbacan Medical Specialist Center.


Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento