(Midsayap, North cotabato/ February 20,
2014) ---Aktibong nakilahok ang mga Indigenous People o IP’s na magsasaka na
kinanabilangan ng mga Manobo sa iba’t ibang programa na ipinamahagi ng
Department of Agriculture sa Midsayap, Cotabato.
Layunin nito na pagyamanin ang kaalaman ng
mga magsasaka tungkol sa agrikulturang pamumuhay at maibahagi sa kanila ang mga
bagong teknolohiya na makatutulong sa kanilang pagsasaka sa pamamagitan ni Gng.
Delina Abellenida na isang Agricultural Technologist na siyang nagging focal
person.
Ang nasabing aktibidadis ay ginanap sa
Barangay Milaya, Midsayap, Cotabato sa pamumuno ni Kapitan Rodrigo Villarta Jr.
Sa kabilang banda, taos-pusong tinanggap ng
mga Manobong magsasaka ang mga programang ibinahagi ng Department of
Agriculture. USM-DevCom Intern Jhar Didatar para sa DXVL NEWS.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento