(Arakan, North Cotabato/ February 25, 2014)
---Nagpasalubong kay kamatayan ang isang 15-anyos na high school student
makaraang magbigti ito sa loob ng mismong bahay nila sa Barangay Doroluman,
Arakan, North Cotabato alas 9:30 kahapon ng umaga.
Sa phone interview ng DXVL News kay PSI
Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang biktima na si Readalle Bugacia
Magbanua, estudyante ng Marciano Dahan National High School sa nasabing lugar.
Batay sa report, nakita na lamang nang
tiyahin ng biktima na nakalambitin ang ito sa loob ng mismong silid nito.
Naisugod pa si Magbanua sa pinakamalapit na
bahay pagamutan sa lugar pero hindi na ito umabot ng buhay.
Isang plastic na tali ang ginamit nito sa
pagpapakamatay.
Bagao nangyari ang insedente, may sulat
itong iniwan.
Posibleng matinding problema sa pamilya at
depression ang dahilan kung bakit kinital ng dalagita ang buhay nito, batay sa
nakasaad sa iniwan nitong sulat, ayon kay PSI Oranza.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng mga pulisya. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento