FB: Bibo Alcala |
(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014)
---Tatlong kwarto ngayon ang tinututukan ng Bureau of Fire Protection Kabacan
sa posibleng pinagmulan ng sunog na tumupok sa malaking bahagi ng
administration building ng University of Southern Mindanao Agricultural
Research Center o USMARC sa USM Main Campus.
Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan BFP Fire
Marshall Ibrahim Guiamalon kahapon ng hapon, posibleng nagmula umano ang sunog
sa mga stock rooms malapit sa research room, audio-visual room at sa stock room
na malapit sa opisina ng direktor ng nasabing tanggapan.
Sa pahayag ni Guiamalon, posible sabay-sabay
na sumiklab ang apoy sa naturang mga kwarto kung kayat mabilis itong kumalat.
Dagdag dito, binigyaang diin ng opisyal na
batay sa kanilang paunang imbestigasyon, wala umanong nakatalagang gwardiya sa
naturang tanggapan ng maganap ang sunog.
Aniya, kung hindi lang nagkataong nagroronda
ang isang security guard ay hindi kaagad malalaman ng mayroon ng sunog.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang
imbestigasyon ng mga otodirad sa naturang sunog at wala pang inilalabas na
opisyal na resulta sa totoong pinagmulan ng apoy. Abdullah Matucan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento