Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

14-anyos na dalagita, nilapa ng mga mababangis na hayop

(Libungan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Naaagnas na ang bangkay ng isang dalagita nang matagpuan sa masukal nabahagi ng Barangay Nicaan sa bayan ng Libungan, North Cotabato nitong Biyernes dakong alas-2:00 ng hapon.

Sa panayam kay PCInps. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP kinilala ang biktima na si Mary-ann Macunan, 14, 1st year high school student sa Nicaan National High School ng nasabing lugar.

Ayon kay Barangay Kapitan Rey Dimasuay ng Brgy Nicaan sa bayan ng Libungan na pagkatapos umano ng JS prom ng biktima noong Pebrero 14 ay nagpaalam ito sa may-ari ng boarding house na kanyang tinitirhan na pupunta sa bahay ng kanyang lola.

Ngunit limang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ito nakakabalik sa kanyang boarding house at hindi rin nakauwi sa kanilang tahanan.

Pagsapit ng Pebrero 21, dakong alas 2:00 ng hapon nagtaka ang mga residente malapit sa Leaňo Farm sa Brgy Nicaan, anim na kilometro mula sa Nicaan National High School dahil nagkagulo ang maraming  aso na animo'y nag-aagawan ng pagkain.

Nang usisahin ito ng mga barangay opisyal at mga sibilyan doon na nila natagpuan ang naaagnas na bangkay ng biktima na kinakain ng mga aso, kung saan nagkahiwalay na ang ulo at katawan nito.

Nawawala rin ang mga paa at ibang parte ng katawan ng dalagita na posibleng tinangay ng mga aso.

Hindi rin mabatid ni Tayong kung ginahasa ang dalagita habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Dagdag pa ng opisyal na may mga mababangis kasi na hayop sa lugar kungsaan natagpuan ang biktima. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento