(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2014)
---Wala pang malinaw na detalye ang National Grid Corporation of the
Philippines o NGCP sa nangyaring malawakang Mindanao-black out na nagsimula
bandang alas 3:53 ng madaling araw kanina.
Sa panayam ng DXVL News ngayong hapon kay NGCP
Corporation Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance
Capulong prayoridad ngayon ng kanilang pamunuan ang agarang pagbabalik ng
supply ng kuryente sa malaking bahagi ng Mindanao.
Kasalukuyang abala ngayon ang pamunuan ng
NGCP upang maibalik agad ang kuryente sa buong Mindanao.
Aniya, uunahin muna nila ang pagbabalik ng
supply ng kuryente bago ang imbestigasyon ang sanhi ng malawakang blackout.
Kaugnay nito, hanggang sa kasalukuyan
nanatiling pa ring walang supply ng kuryente sa service area ng Cotabato
Electric Cooperative at kumukuha sila ng supply ng kuryente sa Geothermal Power
Plant ng Mr. Apo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento