Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

KPCS nag-uwi ng karangalan sa Probinsya ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Matapos ang Soccsargen regional Athletic Association meet na ginanap sa South Cotabato Complex, Koronadal City noong February 10-14, 2014 at ika 11 na taon ng National Science Quest sa Teachers Camp, baguio City sa parehong mga araw, nag-uwi ng karangalan sa probinsya ng North Cotabato ang mga delegado ng Kabacan Pilot Central School.

Ang mga delegado ng KPCS sa SRAA na siyang representante ng probinsya sa larong Gymnast ay humakot ng medalya na siyang naging daan upang maiuwi nito ang silver na medalya sa Gymnastic games na pinaglalabanan ng 9 na distrito mula sa iba’t-ibang paaralan sa Rehiyon XII, kabilang dito ang distritong nagmula sa Probinsya ng Saranggani, South Cotabato, Sultan Kudarat, North Cotabato, Kidapawan City, Cotabato, tacurong, General Santos at Koronadal City.


Sa kabilang banda, umuwing kampeon naman ang mga delegado ng KPCS sa sci-modelling matapos ang ika-10 taon na pagdaraos ng national Science Quest.

Ang nasabing paligsahan ay dinaluhan ng 56 na mga delegado mula sa iba’t-ibang elementarya sa bansa. 15 estudyante ng KPCS ang pinalad na nanalo sa naturang paligsahan kasama ang kanilang mga coach na pinangunahan ni Mrs. Angeles Arconado.

Maliban sa scimodelling sumali din sila sa Science investigatory Project teacher and pupil category at individual quiz.


Kunektado ka sa mga balita, USM DevCom Intern-Ruvey Mae Pagaran, DXVL News.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento