(Amas, Kidapawan city/ February 27, 2014)
---Opisyal ng inilunsad ang kauna-unahang National Rubber Budwood Garden sa
Capitol compound, Amas, Kidapawan City kaninang umaga.
Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala”
Taliño Mendoza ang nasabing proyekto ay pinonduhan ng inisyal na halagang P8M
sa tulong ng National Government sa pamamagitan ng Department of Environment
and Natural Resources o DENR.
Sinabi ng opisyal na ang bagong clone
variety ng Rubber BudWood ay nakatanim na ngayon sa tatlong ektaryang lupain sa
likurang bahagi ng kapitolyo na ginastahan ng P2.4M.
Kaugnay nito, siniguro naman ni DENR Forest
Management Bureau , Director; National Greening Program Focal Person Ricardo
Calderon na hindi matatapos sa launching ang proyekto bagkus ay lalo pa itong
lalawak sa tulong ng provincial government.
Giit pa ng opisyal na ang paglulunsad ng
nasabing proyekto ay kauna-unahan sa bansa at nais din itong kagahin ng ibang
probinsiya kagaya ng Sultan Kudarat.
Ayon naman kay Board Member Loreto Cabaya,
may hawak ng Committee on Agriculture sa Sangguniang Panlalawigan na ang
programang ito ay tugon ng probinsiya sa mga isyung ibinabato sa kasalukuyang
administrasyon kung bakit mababa ang presyo ng goma sa probinsiya.
Kasabay ng nasabing launching ay
itinurn-over din sa probinsiya ng Office of the Civil Defense o OCD XII ang 500
bags ng NFA rice na pinangunahan ni OCD XII Director Jerome Barranco, upang
ipamahagi sa mga Internally Displaced Persons o IDP’s sa bayan ng Misayap at
Pikit na biktima ng nagdaang man-made calamities. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento