(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014)
---Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Registration Month ngayong taon magsasagawa
ng isang araw na libreng registration ang Kabacan Municipal Civil Registrar sa
buwang ito.
Ayon kay Municipal Civil Registrar Officer Gandy
Mamaluba ang makakakuha lang ng libreng birth certificate ay ‘yung may mga anak
lang na may edad isang buwan pa lamang na hindi pa narehistro.
Libre din ang pagkuha ng certificate of
death at certificate of marriage sa parehong araw.
Gagawin ang pag-anunsyo ng libreng
registration kasabay sa convocation ngayong darating na Lunes ng umaga,
February 24, 2014 sa harapan ng Municipal Hall ng Kabacan.
Temang ng selebrasyon ngayong taon ay “Ikaw
at ako tungo sa wastong pagrehistro”. Ruvey
Mae Pagaran, USM DevCom Intern, DXVL News!
Hi po good morning,ask lng po mgkano ang pa late registration ng birth?
TumugonBurahin