(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014)
---Abot sa P50,000 cash na halaga ang natangay sa isang 62-anyos na Ginang
makaraang mabiktima ng budol-budol gang kamakalawa umaga.
Kinilala ng kabacan PNP ang biktima na si
Soledad Obella, residente ng Aglipay St., ng bayang ito.
Batay sa ulat, nailagay diumano ng biktima sa
di maipaliwanag na pangyayari ang kanyang perang nagkakahalaga ng P50,000,
kasama ang PRB Bank Passbook, gintong hikaw at kwintas sa bag ng isang di pa
matukoy suspect.
Matapos maisakatuparan ang masamang balakin,
agad na lumahong parang bula ang suspek.
Wala nagawa ang biktima kundi ireport na
lamang sa PNP ang pangyayari.
Kunektado ka sa mga balita mula sa Kabacan
PNP USM-Devcom Intern Karen Claire R. Campollo para sa DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento