(Carmen, North Cotabato/ February 17, 2014)
---Patay ang isang 30-anyos na suspek habang arestado naman ang isa pang kasama
nito makaraang itinapon nila ang granada malapit sa detachment ng 7th
IB, Philippine Army sa may bahagi ng Barangay General Luna, Carmen, North Cotabato alas
2:30 kahapon ng hapon.
Sa report ng Carmen PNP, nagsasagawa ng
highway check ang mga element ng kapulisan sa lugar ng parahan nila ang isang
pulang Yamaha STX motorcycle na may license plate 5501 YV na tinatahak ang
kahabaan papunta ng Kabacan.
Pero ang drayber hindi huminto sa halip ay
pinaharurot ang minamanehong motorsiklo dahilan para habulin ang mga ito ng mga
kapulisan at sundalo.
Itinapon ng isa pang kasama ng drayber na
sakay nito ang kanyang granada pero hindi ito sumabog sa halip ay nagdulot ito
ng bigat sa daloy ng trapiko sa National Highway ng Carmen kahapon.
Dahil sa nakorner ang mga suspek ng mga
rumesponding kapulisan at sundalo, naaresto ang drayber na kinilalang si Nano
Ampit aka Muslimin Oping, 19, kasado at residente ng barangay Lanoon, bayan ng
Carmen.
Habang nagawang makatakas ng back rider nito
matapos na maaksidente ang dalawa at pinaputukan naman nito angmga pulis ng
kanyang magnum 357 revolver.
Tumakas ang suspek sa masukal na plantation
ng tubo at doon sinundan ng mga elemento ng 7th IB at pinaputukan
ito sa isinagaw3ang hot pursuit operation.
Bandang alas 3:30 na kahapon ng marekober ang
suspek na duguan sa may bahagi ng irrigation kanal na malapit sa palayan at
tubuhan na wala ng buhay dahil sa matinding tama na tinamo nito at naubusan pa
ng dugo.
Kinilala ang bangkay na si Tantang Tahir,
30-anyos at residente ng barangay Malamote, Kabacan na nagtamo ng tama ng bala
sa mga binti nito.
Ang bangkay ng suspek ay kinuha na ng
kanyang kamag-anak at inilibing kahapon batay sa kaugalian ng mga kapatid na
muslim.
Narekober sa posisyon ni Tahir ang isang
magnum 357 revolver, mga bala, isang shoulder bag na naglalaman ng bolt cutter,
cellphone at mascara.
Nasa kustodiya naman ng Carmen PNP si Nano
ampit habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito.
Ang motorsiklo ay nasa kutodiya ngayon ng
Carmen PNP at ang mga narekober na pampasabog gaya ng granada ay nasa
pangangalaga na ng EOD Team. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento