Written by: Jimmy Santacruz
AMAS, Kidapawan City (Feb. 17) – Nag-umpisa na ang
registration o pagpapatala para sa Centennial Photo Contest at Rodeo sa
Cotabato na dalawa sa mha naglalakihang events sa pagdiriwang ng ika-100 taon
ng Cotabato sa Sep. 1, 2014.
Ayon sa Provincial
Development Cooperative Office o PCDO, in charge ng naturang aktribidad, may
dalawang category ng Centennial Photo Contest at ito ay ang professional at amateur
category.
Ang tema ng
centennial ay nakasentro sa paggunita at paggbibigay galang sa kasaysayan ng
Cotabato province at ang mga kultura, tradisyon at paniniwala ng iba’t-ibang
grupo sa lalawigan.
Ang mismong mga
larawan naman ay dapat naglalaman ng mga simbolo, tanawin, bagay, paniniwala,
kaugalian, pagdiriwang, landmarks at iba pa na makikita sa Cotabato.
Tatanggap ng cash
prize na P 20,000 ang mapipili bilang 1st prize, P15,000 naman ang 2nd
prize at P 10,000 and 3rd prize.
Bibigyan rin sila ng
mga medals at certificates. May mga special awards din ibibigay sa mga kalahok.
Maaari ng magtungo sa
tanggapan ng PCDO Provincial Capitol, Brgy. Amas, Kidapawan City ang mga nais o
interesado sa contest.
Pwede rin silang
tumawag sa 0919-868-0020 o mag-email sa pcdoamaskid@yahoo.com
para sa karagdagang impormasyon patungkol sa contest.
Samantala, open na
rin ang registration ng Rodeo sa Cotabato na gaganapin sa municipal grounds ng
Pigcawayan, Cotabato sa darating na May 8-9, 2014.
Ayon sa Office of
the Provincial Veterinarian o OPVET, mga mahuhusay na rodeo riders mula sa
iba’t-ibang bahagi ng Mindanao ang inimbitahan para lumahok sa competition.
Tiniyak ng OPVET na
kapana-panabik ang Rodeo sa Cotabato dahil maliban pa sa rodeo contest ay
itatampok din ang iba pang competition tulad ng Search for Centennial Rodeo
King and Queen, Rodeo Art Exhibit and Competition, Country Musin Singing Duo
Contest, Search for Biggest Carabao at marami pang iba.
P 50,000 cash prize
ang nag-aantay para sa grand champion, P 35,000 para sa 1st
runner-up at P 20,000 para sa 2nd runner-up.
Maaari ng
makipag-ugnayan sa OPVET ang mga interesado sa Rodeo sa Cotabato at tumawag sa
tel. no. 064-278-7066 o bumisita sa kanilang tanggapan sa Provincial Capitol,
Brgy. Amas, Kidapawan City.
Nilinaw naman ng
OPVET na walang bayad o free admission ang Rodeo sa Cotabato kaya’t tiyak na
dadagsa ang maraming spectators para mapanood ang kapana-panabik na aktibidad. (JIMMY STA. CRUZ/PG Cot. Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento