Written
by: Rhoderick Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ February 18,
2014) ---Hinihikayat ng tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan ang mga dating
benepisyaryo ng PDAF Scholarship Program na makipag-ugnayan sa district office
ng kongresista.
Ito ay upang talakayin ang nasabing
scholarship at iba pang posibleng paraan upang maipagpatuloy ang suporta sa
pag-aaral ng mga dating PDAF scholars.
Batay sa anunsyo, magtatakda ng coordination
meeting with the former PDAF scholars ang tanggapan ni Rep. Sacdalan na
gaganapin sa Kapayapaan Hall sa Midsayap, North Cotabato.
Target na maisagawa ang nasabing meeting
bago magtapos ang buwan.
Nabatid na abot sa isandaang PDAF scholars
na nag-aaral sa University of Southern Mindanao o USM ang lubhang naapektuhan
nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang PDAF.
Ngunit binigyang diin ni First Congressional
District Office Political Affairs Officer VI Engr. Jerry Pieldad na sinisikap
ng tanggapan ng kongresista na maipagpatuloy ang nasimulang education support
program.
Nakikipag-ugnayan na din umano ito sa
Commission on Higher Education o CHED Region 12 upang maging kaagapay sa
pagsusulong at pagpapatuloy ng Edukasyon Para Sa Kapayapaan scholarship ng
dating PDAF scholars sa USM.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento