Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dance protest kontra abuso sa mga kababaihan inilunsad

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Idinaan ng mga Midsayapeá¹…o sa sayawan ang kanilang pagdiriwang ng araw ng mga puso kamakailan.

Ang aktibidad ay kaugnay ng paglulunsad ng One Billion Rising o OBR for Justice sa bayan kung saan hindi lamang basta sumayaw ang mga Midsayapeno ngunit kaakibat nito ang pagprotesta na magkaroon ng hustisya ang lahat ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan.


Ginawa ang dance protest sa Southern Christian College kasabay ng Valentine’s day celebration ng institusyon.

Inihayag ni Civil Peace Service Coordinator Elvira Angsinco na ipinagpapatuloy nila ito upang maitaas ang level of awareness ng mga mamamayan patungkol sa isyu ng abuse on women and girls.

Dagdag ni Angsinco magkakaroon din umano ng mga serye ng aktibidad kaugnay ng women’s month Celebration sa susunod na buwan.

Ang aktibidad ay magkatuwang na inorganisa ng SCC- Office of the Vice President for Research and Extension, Civil Peace Service, Bread for the World at ilang women’s rights advocates.

Idadaos naman sa a-8 ng Marso ang kulminasyon ng One Billion Rising for Justice dito sa bayan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento