(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014)
---Nananawagan sa publiko ang tanggapan ng Bureau of Fire Protection-Kabacan na
panatilihin ang pagiging mahinaon kapag
may sunog at kaagad itong ipaalam sa mga kinauukulan.
Sa mensaheng ipinaabot ni
Senior Fire Marshall Ibrahim Guiamalon, ang pag-gamit ng first aid
fire-fighting at maingat na pag-aanalisa sa pangyayari ay pawang mahalaga.
Importante umano na ugaliin ng mamayan na
gawing fire safety day ang bawat araw sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa
ating mga pagkakamali na pweding maging sanhi ng sunog.
Ang panawagan ay ginawa ni Senior Fire
Marshall Guiamalon matapos ang sanay sunog sa isang proposed construction
building na pag-aari ni Ednalyn Agoy sa may USM Avenue dito sa bayan.
Matatandang noong Sabado ng hapon, sumiklab ang isang sunog sa nasabing
lugar habang nag-aayos ng still ang mga karpintero ay nasunog ang tangke ng
acytlene. Agad namang naapula ang apoy kaya hindi na ito kumalat pa. Abdullah
Matucan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento